PAGASA ISLAND DINAGSA NG CHINESE SHIPS

INILARAWAN bilang “extraordinarily large” fleet ng Chinese ships ang namataan sa loob ng territorial sea ng Pagasa (Thitu) Island.

Ito ang nakita sa West Philippine Sea monitor, araw ng Miyerkoles.

Nito lamang Martes, may “73-75 ships” ang namataan sa 2.5 hanggang 5.5 nautical miles (NM) sa bahagi ng Pagasa Island, na nasa loob ng 12 NM territorial waters, ayon kay SeaLight director at retired US Air Force colonel Ray Powell.

“[This is] by far the largest PRC [People’s Republic of China] vessel swarm I’ve ever seen off Thitu (Pag-asa) Island,” ayon pa rin kay Powell, program head ng Stanford University’s Gordian Knot Center for National Security Innovation, sa kanyang post sa X (formerly Twitter).

Kamakailan, kinumpirma ng Philippine Navy ang mga ulat na nagkaroon ng malaking pagkabawas sa Chinese maritime militia vessels sa Pagasa Island.

“Their absence or reduction in numbers is attributable to the spate of typhoons that have hit the country in the recent weeks,” ang sinabi naman ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, navy spokesperson para sa West Philippine Sea.

Sinabi pa rin ni Powell na ang pinakabagong hakbang ay maaaring pahiwatig na sinasamantala ng Tsina ang kasalukuyang verbal feud nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte.

Ang Pag-asa Island ay may laking 37.2 ektarya at 518 kilometro ang layo nito sa Puerto Princesa, Palawan. Ito ang pinakamalaking landmass sa Kalayaan Island Group. (CHRISTIAN DALE)

47

Related posts

Leave a Comment