VP SARA IMPOSIBLENG SUSPENDIHIN NI MARCOS

SINABI ng Department of Justice (DOJ) na hindi maaaring suspendihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bise Presidente Sara Duterte sa kabila ng pahayag ng huli na nag-utos siyang patayin ang mag-asawang Marcos gayundin si Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinaslang.

Nilinaw ni Justice Secretary Jesse Andres na ang Ombudsman lamang ang maaaring magsuspinde sa pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa habang ang mga ehekutibo ng lokal na pamahalaan lamang ang maaaring suspendihin ng Executive Branch.

Ang kasalukuyang Ombudsman na si Samuel Martires ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posisyon noong 2018. Si Duterte ang ama ng kasalukuyang bise presidente.

Sa panayam, sinabi ni Andres na maaaring madiskwalipika si Duterte sa pampublikong opisina kung mapatutunayang nagkasala sa paglabag sa Anti-Terror Law ng bansa.

Aniya, makikita na ang pagbanta kay Marcos ay isang paraan para maghasik ng takot at destabilisasyon sa gobyerno.

Aniya, hindi basta-basta ang pananakot sa Pangulo, na kahit isang guro sa paaralan na nag-alok ng P50 milyong pabuya sa sinumang papatay kay Pangulong Duterte sa 2020 ay inaresto at kinasuhan ng inciting to sedition.
(JULIET PACOT)

56

Related posts

Leave a Comment