NAGLAAN ang Kongreso ng mahigit dalawang bilyong piso ngayong taon para tulungan ang mga mahihirap na estudyante lalo na ang mahihirap sa kanilang tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan.
Ito ang nabatid kay Quezon City Rep. Marvin Rillo ukol sa P15,000 na matatanggap ng may 137,000 estudyante ngayong taon sa buong sa ilalim ng Tulong Dunong Program.
“In the 2025 General Appropriations Law, Congress earmarked the sum of P2.06 billion for the TDP, which provides grantees with cash aid of P7,500 per semester, or P15,000 per academic year,” ani Rillo.
Sinabi ng mambabatas na determinado umano ang mga ito na bigyan ng tulong pinansyal ang mga mahihirap na estudyante para ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo at tuluyang makaahon sa hirap.
Sa ngayon ay maraming mahihirap na estudyante aniya ang napipilitang tumigil pagkatapos ng kanilang secondary education dahil walang pambayad ang mga ito ng tuition fees at iba pang gastusin sa pag-aaral.
Karagdagang tulong aniya ito sa mga estudyante sa “no permit, no exam” o Republic Act (RA) 11984 na inakda ng mambabatas.
Sa ilalim ng nasabing batas, hindi na maaaring pagkaitan ng eskwelahan ang mga estudyante na hindi nakapagbayad ng tuition fees at iba pang bayarin na kumuha ng periodic at final examinations.
“The TDP is one of the government’s tertiary education subsidy programs to support at least the partial cost of college schooling, inclusive of education-related expenses of the grantee,” paliwanag ng kongresista.
Hindi lamang ang mga estudyante at pampubliko kundi maging sa pribadong paaralan ang makakatanggap ng TDP at kailangang ipakita lamang ng mga ito na enrolled ang mga ito at mula sa mahirap na pamilya. (BERNARD TAGUINOD)
