GUIDELINES SA ‘DUTY AND TAX-FREE PRIVILEGE’ SA MGA BALIKBAYAN BOXES, PINALALAKAS NG BOC  

BALIKBAYAN BOX

Pinalalakas pa ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpapatupad ng inilabas nitong mga alituntunin kaugnay sa ‘duty and tax-free privilege’ sa mga balikbayan boxes.

Ito’y matapos na muling  bigyan din ng ahensya ang kahalagahan ng ipinalabas nitong Memorandum Order (CMO) No. 18-2018 na may kinalaman  sa mga alituntunin ukol sa pagbibigay ng prebilehiyo sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kani-kanilang pagpapadala ng mga balikbayan boxes.

Matatandaang ipinalabas ng ahensya ang CMO No. 18-2018, na layong gawing mas mabilis na ang pagpapadala sa Pilipinas ng balikbayan boxes.

Kung dati, ay mandatory copy ng Philippine passport ang kailangang ipakita o isu­mite para magamit ang prebilehiyong tax-free na pagpapadala, ngayon ay maaari nang magpakita  o magsumite ng mga dokumentong magpapatunay ng pagiging isang Filipino citizen tulad ng  photocopy ng ilang pahina ng Philippine passport na may personal information,  picture at  signature, o kung dual citizenship, kailangan lamang ang photocopy ng foreign passport na may personal information, litrato at pirma at kopyang patunay bilang dual citizen.

Ilan pa umano sa mga maaaring  ipresinta o isumite ay ang resident ID, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) card, o work permit.

Ang kwalipikadong Pinoy ay pagkakalooban ng P150,000 duty and tax-free privilege na hindi na kailangan pang magsumite ng commercial invoices ng kanilang mga binili na nasa loob ng kanilang balikbayan boxes.

Maaari lang isumite ang mga resibo kung kinakailangan.

Para naman sa mga freight forwarders or deconsolidators, inoobliga silang magsumite ng information sheet na may tatlong legible copies.

Ang unang kopya ay siyang itatago ng sender at ang pangatlo ang siyang ibibigay sa deconsolidator na siya namang ipapadala sa ahensya kasama ang iba pang documentary requirements na magsisilbi bilang packing list ng  balikbayan box.

Kaugnay pa rin nito, sa ilalim ng Section 423 of the Republic Act No. 10863, o kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) nakasaad na, “no duties and taxes shall be collected on goods with a value of P10,000 or below.”

Sa ilalim ng Section 800 (f), sinasabi na ang nagbabalik Pilipinas na tumira sa ibang bansa ng anim na buwan ay mayroong tax and duty-free exemption sa kanilang personal at pambahay  na kagamitan  basta hindi ito gagamitin sa negosyo.

Bukod dito, nakasaad pa sa CMTA ang probisyon, “Returning residents may also avail the privilege provided that it is limited to the FCA or FOB value of (1) P350,000 for those who have stayed in a foreign country for at least ten years and have not availed of this privilege within ten years prior to returning resident’s arrival; (2) P250,000 for those who have stayed in a foreign country for a period of at least five but not more than ten years and have not availed of this privilege within five years prior to returning resident’s arrival; or (3) P150,000 for those who have stayed in a foreign country for a period of less than five years and have not availed of this privilege within six months prior to returning resident’s arrival.”

Ang anumang sobrang halaga sa nabanggit sa itaas ay papatawan na ng kaukulang duties and taxes sa ilalim ng CMTA.

SUMBUNGANNakasaad pa rin sa Section 800 (g) ng CMTA na lahat ng residente ng Pilipinas, OFWs o iba pang Pinoy na nakatira sa abroad at sa pagbabalik nila sa bansa ay pinapayagan silang  magpadala sa kanilang pamilya o kamag-anak sa Pilipinas ng balikba­yan boxes na hindi papatawan ng duties and taxes basta ang mga ito ay personal at mga gamit  lamang sa bahay.

Ang balikbayan boxes ay pwedeng maulit hanggang 3 beses na pagpapadala sa loob ng isang taon basta hindi lalampas ang kabuuang halaga ng P150,000 at anumang halaga na sosobra sa itinakda ng batas ay papatawan na ng duties and taxes.

376

Related posts

Leave a Comment