PULITIKA ang hinihinalang nasa likod ng pagpaslang sa isang kagawad sa Calamba City, Laguna noong Lunes.
Ayon sa kampo ng biktimang si Kagawad Dan Vincent Borja ng Barangay Tres sa Calamba City, kumbinsido silang pinatahimik ito dahil sa pagbubunyag ng mga katiwalian hindi lang sa kanilang lugar kundi sa buong siyudad.
Tinambangan si Borja sa Baclaran, Pasay City noong Pebrero 3, 2025.
Sinasabing marami nang naibunyag na katiwalian ang biktima mula nang mahalal na kagawad noong 2022 kaya marami umano itong nasagasaan.
Kabilang sa mga sinita nito ang pamamalakad ni Mayor Roseller Ross Rizal na una niyang hiniling na imbestigahan ng mga ahensya ng gobyerno.
Wala pang reaksyon ang alkalde maging ang pulisya sa motibo ng krimen.
Hiniling naman ng kampo ng pinaslang na kagawad sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na aksyunan ang mga insidente ng pagpatay na posibleng kinasasangkutan ng malalaking tao sa lipunan.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)