IDINAAN ng mga taga-Marikina sa social media ang pagkadismaya sa Rappler dahil hindi umano nito inalam ang background ng kanilang forum partner.
Tinutukoy ng mga residente ang ginanap na “Make Manila Liveable: Elections Kapihan with Marikina Candidates”.
Para sa kanila, tila nagamit ang Rappler ng kampo ng mga Quimbo dahil sa kabiguan ng media company na mag-research ukol sa kanilang naka-partner na grupong Sulong.
Anila, kung nakapag-research lang nang maigi ang Rappler, malalaman nito na ang Sulong ay isang grupo na kaalyado ng mag-asawang Quimbo at isa sa mga opisyal nito ay kanilang propagandista sa siyudad.
Nagsagawa pa ang Sulong ng watch party ng Rappler forum para sa mga residente ng Barangay Fortune, kung saan Sangguniang Kabataan chairperson si Cedie Balagasay.
Bukod sa pagiging isa sa mga opisyal ng Sulong, sinasabi ng ilang source na si Balagasay ay tagapagtanggol ng mga Quimbo sa siyudad.
Para sa mga taga-Marikina, hindi na sana tinuloy ng Rappler ang forum dahil wala ang ibang kandidato para magbigay ng kanilang panig at mga posisyon.
“Rappler dapat di niyo tinuloy yan dahil hindi naman kumpleto ang kandidato. Tapos ginawa niyo pa sa lugar na hindi naman neutral,” komento ng isang netizen.
Napansin naman ng isa pang netizen na tila scripted ang question and answer portion ng forum, na lalo lang nagpalakas ng duda sa kredibilidad ng Rappler.
“Yung Kapihan niyo bakit naging Kampihan? Scripted yarn?? Hahahahah,” wika ng isa pang netizen.
“Kunyari pa kayong walang kinikilingan e nagpagamit lang din kayo kina Koko at Quimbo,” dagdag naman ng isa pang netizen.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)