Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga – Inihayag noong Linggo ng Police Regional Office 3 (PRO3), ilang loose firearms ang boluntaryong isinuko ng umano’y mga miyembro ng pribadong armadong grupo sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Sinabi ni PRO3 Regional Director BGen. Jean S. Fajardo, noong Pebrero 7, 2025, sa Brgy. Papaya, San Antonio, Nueva Ecija, ay matagumpay na isinuko sa Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), sa pamumuno ni PCol. Ferdinand Germino, ang ilang hindi lisensyadong baril mula sa umano’y miyembro ng isang pribadong armadong grupo.
Ang matagumpay na turnover ng nasabing mga baril ay naging posible sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng “Balik Baril” Program at ang matibay na pagtutulungan ng NEPPO, local government units, at iba pang law enforcement agencies.
Kabilang sa isinukong armas ay isang silver caliber .45 pistol, apat na karagdagang silver caliber .45 pistol, isang itim na Colt .380 pistol, isang black M16 rifle, isang 12-gauge shotgun, ilang magazine, at maraming bala.
Samantala, pinuri niya ang Nueva Ecija Police Provincial Office sa kanilang proactive approach, na kinikilala ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatiling ligtas sa mga komunidad at pagtiyak na walang armadong grupo ang maaaring magbanta sa demokratikong proseso. (ELOISA SILVERIO)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)