(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
NAGPAKITA ng kanyang buong suporta si dating pangulong Rodrigo Duterte sa kandidatura ni Atty. Vic Rodriguez sa Senado ngayong May 2025 midterm elections.
Sa isa sa mga aktibidad ng Hakbang ng Maisug, itinaas ng dating pangulo ang kamay ni Rodriguez, ang unang executive secretary ng Marcos administration.
Ani Duterte si Rodriguez ay walang talo, matalino, mabait, at honest.
Kamakalawa, nagdaos ng thanksgiving mass ang mga tagasuporta ni Rodriguez sa Quezon City bilang panimula sa kanyang kampanya.
Ngayong araw naman ang proclamation rally ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City para sa mga kandidato nito sa Senado kung saan guest candidate si Rodriguez.
Sa kanyang Facebook page, nanawagan ng suporta ng publiko si Rodriguez para maisakatuparan sa Senado ang kanyang kampanya laban sa korupsyon.
“Pigilan natin ang patuloy na pandarambong ng administrasyon ni Marcos kasabwat ang mga elitista’t kurakot niyang mambabatas.
Pahiramin po ninyo ako ng inyong mandato bilang tunay, tapat at Maisug na oposisyon.
Magkaisa tayo’t maghatid ng bago sa Senado dahil ngayong 2025, Posible ang Pagbabago!” mababasa sa kanyang Facebook page.
Matatandaang nagbitiw si Rodriguez sa administrasyong Marcos dahil sa matinding intriga at hindi na masikmurang korupsyon.
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)