GEN. TORRE “BIDA” SA KONGRESO

PINURI sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Gen. Nicolas Torre III sa kanyang kampanya laban sa mga nagkakalat ng fake news at maling impormasyon.

“In today’s digital age, truth matters more than ever. We commend the CIDG chief for his commitment to upholding facts and holding accountable those who deliberately mislead the public,” ani Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sampahan ni Torre ng kaso ang Cebu-based vlogger na si Ernesto “Jun” Abines na nagpakalat ng balitang siya ay naospital na nakaapekto umano sa kanyang pamilya, mga kaibigan at katrabaho sa Philippine National Police (PNP).

Kinumpirma ni Torre na humingi siya ng search warrant upang makuha ang mga kagamitan na diumano’y ginamit sa pagpapakalat ng maling impormasyon laban kay Abines kaya sinalakay ang kanyang bahay.

“Fake news is a serious threat to our society. It misleads people, distorts public discourse and even puts lives at risk. Those who spread false information should be held responsible for the damage they cause, whether to private individuals, public servants or the Filipino people as a whole,” ayon naman kay Manila Rep. Bienvenido Abante Jr.

Tulad ng inaasahan, kinastigo ng mga kasamahang vloggers ni Abines si Torre subalit sinabi ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na hindi tulad noong nakaraang administrasyon, idinadaan sa legal na proseso ang pagpapanagot sa mga nagkakasala sa batas ngayon.

“In this new era of governance, those who break the law are not silenced or killed. There are no extrajudicial killings here. Instead, we hold them accountable through the legal process,” ani Adiong.

Noong nakaraang linggo, naghain si Torre ng mga reklamong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kanyang pahayag na dapat patayin ang 15 senador upang manalo ang lahat ng kanyang senatorial candidates sa midterm elections.

Si Torre ang nanguna sa operasyon laban ay Kingdom Of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy na kilalang kaalyado ni Duterte dahil sa kasong human trafficking bago ito itinalaga bilang hepe ng CIDG noong Setyembre 2024. (PRIMITIVO MAKILING)

13

Related posts

Leave a Comment