IGINIIT ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang pangangailangan nang mahigpit na implementasyon ng 60 kilometer-per-hour na speed limit sa mga pangunahing kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng aksidente sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kung saan dalawa ang namatay at 16 ang nasugatan.
Ipinaalala ni Tolentino na tinaguriang killer highway ang Commonwealth avenue dahil sa dami ng mga aksidente kaya’t ipinatupad nila sa Metro Manila Development Authority noong 2011 ang 60 kph speed limit.
Sa ulat, mabilis ang andar ng pampasaherong jeep bago nawalan ng kontrol ang driver sa manibela dahilan ng pagsalpok sa dalawa pang sasakyan.
Iginiit ng mambabatas na ang mga batas trapiko ay binuo para sa kaligtasan ng publiko kaya’t hindi dapat balewalain.
(Dang Samson-Garcia)
