POSIBLENG simulan ngayong linggo ang pagsisid sa Taal Lake para hanapin ang mga labi ng mga missing sabungero.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, aniya hiniling na niyang simulan ngayong linggo ang technical diving operation sa Taal Lake para matunton ang mga hinahanap na bangkay.
Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na hindi pa kasali ang Japan sa operasyon pero inaasahan nilang tutugon ito sa hiling ng Pilipinas na tumulong sa paghahanap sa Taal Lake gamit ang kanilang mga makabagong equipment.
May posibilidad din umanong hindi lang sa Taal itinapon ang mga bangkay, kung totoo mang may alternatibong lugar kung saan inilibing ang mga ito.
Una nang sinabi ni Remulla na posibleng mga labi na lamang, at hindi na buong bangkay ang matagpuan sa lawa dahil lusaw na umano ang mga ito.
(JULIET PACOT)
