SUKDULAN na umano ang ginagawang panghihimasok ng China sa Pilipinas at maging sa ibang bansa para lamang igiit ang kanilang karapatan sa West Philippine Sea, na umabot na hanggang sa larangan ng pelikula.
Ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Grand Commodore Jay Tristan Tarriela, grabe na ang paggiit ng Beijing sa kanilang sovereign rights sa West Philippine Sea, hindi lamang sa karagatang sakop ng Pilipinas kung hindi pati sa film festivals din.
“Imagine waking up to find that your own story—your people’s truth—is being gagged by a foreign power. Not inside their borders.”
Tinuligsa ng Phil. Coast Guard at maging ng mga nasa film industry, at academe higit sa lahat ang mga makabayang Pilipino, ang ginawa ng Chinese consulate na sabihan ang organizer ng New Zealand film festival na huwag isali o ipalabas ang isang Philippine documentary hinggil sa West Philippine Sea.
Hiningi ng Chinese officials na alisin ang Filipino documentary sa mga susunod na palabas sa New Zealand Doc Edge Festival.
Ayon sa China, kung tatalima ang nasabing bansa ay hindi umano maaapektuhan ang relasyon ng China at New Zealand. “Doing so would be in the interest of Chinese-New Zealand relations.”
Nabatid na ang documentary na “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea,” ay nagkaroon ng world premiere nitong nakalipas na katapusan ng buwan.
Nitong Hunyo 30, sa The Capitol Cinema sa Auckland ay inalis ang “Food Delivery: Fresh From the West Philippine Sea” matapos na i-withdraw ang screenings nito sa kanilang home country.
Ang pelikula na nakatakdang mag-premiere sa Puregold CinePalo Film Festival sa Manila, ay inalis ilang araw bago ito ipalabas. Ayon sa film creators, bunsod ito ng “external factors”.
“Even worse,” ani Tarriela, “The Chinese consulate in New Zealand also asked for the removal of the Filipino documentary on the West Philippine Sea from future screenings of the prestigious Doc Edge Festival.”
Ayon kay Tarriela, ang documentary “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” na obra ni Director Baby Ruth Villarama, ay dapat na ipalabas sa gaganaping film festival subalit inalis ito sa lineup.
“We need to ask the organizer. Para sa akin, ang New Zealand pine-pressure but then they decided to screen the documentary samantalang tayo we just choose to be silent about it,” sabi pa ng tagapagsalita ng Phil. Coast Guard.
Magugunitang gamit ang kanilang nine-dash line ay inaangkin ng China ang halos lahat ng mga isla sa South China Sea via nine-dash line map na sumasaklaw sa exclusive waters ng Pilipinas at mga kalapit bansa gaya ng Vietnam at Malaysia.
(JESSE RUIZ)
193
