COED PATAY SA 38 STAB WOUNDS SA TAGUM CITY

TAGUM CITY – Iniutos ng mga imbestigador na isailalim sa medico legal examination ang bangkay ng isang 19-anyos na coed na natagpuang tadtad ng saksak sa kanyang silid sa Barangay La Filipina sa lungsod noong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, layunin nito na mapatibay at mapalakas ang kaso laban sa hindi pa nakikilalang suspek at matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang pagnanakaw ang motibo ng suspek dahil nawawala ang ilang mahalagang gamit ng biktima gaya ng laptop, cellphone, tablet, at relo.

Natagpuang nakabalot sa kumot ang duguang bangkay at nakuha sa crime scene ang grass cutter, bolo, dumbbell, at panyo na posibleng ginamit sa krimen.

Tiniyak naman ni Davao del Norte Police Director Col. Alexander Serrano Jr. sa pamilya ng biktima na sisikapin nilang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng estudyante kaya ipinag-utos nito ang masusing imbestigasyon.

Samantala, nanawagan si Col. Serrano sa mga posibleng may impormasyon sa insidente o testigo na makatutulong sa pagtukoy sa pagkakakilanlan ng suspek para maagang ikalulutas ng kaso.

(JESSE RUIZ)

56

Related posts

Leave a Comment