MAYOR SUSAN YAP AT GOV. CHRISTIAN YAP, HALIGI NG DISIPLINA’T PROGRESO SA TARLAC

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA panahon kung kailan ang kalinisan, kaayusan, at connectivity ay mahalagang sangkap ng maunlad na pamayanan, patuloy na pinatutunayan ng pamahalaang lokal ng Tarlac City sa pamumuno ni Mayor Susan Yap at ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Christian Yap na posible ang tunay na pagbabago kung may malinaw na direksyon at matatag na pamumuno.

Ang isinagawang malawakang Clean-Up Operation sa Aquino Boulevard River Walk noong Hulyo 4, 2025 ay hindi lamang simpleng aktibidad ng paglilinis. Isa itong kongkretong patunay ng kolektibong aksyon, isang pagkilos na pinangunahan ng Public Order and Safety Office (POSO), sa pamumuno ni Ret. P/Col. Elsa Miranda, katuwang ang mga tanggapan ng CENRO, CEEMO, BFP, PNP, mga consultant, at volunteer groups gaya ng Fil-Chi Fire Brigade.

Siyempre, ito ay malinaw na larawan ng bayanihang may direksyon kung saan ang layunin ay hindi lamang pisikal na kalinisan, kundi pati na rin ang paghubog ng kulturang may malasakit sa kapaligiran.

Hindi rin nagkulang sa suporta ang lalawigan. Si Gov. Christian Yap, sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), ay aktibong tumutulong sa mga inisyatibo ng lungsod.

Sa ganitong paraan, nakikita natin ang epektibong koordinasyon sa pagitan ng lokal at panlalawigang pamahalaan, isang modelo ng mahusay na pamamahala na dapat tularan.

Kasabay ng pangangalaga sa kapaligiran, sumusulong din ang Tarlac sa larangan ng imprastraktura. Ang Luisita SCTEX Interchange Expansion Project, sa pakikipagtulungan ng BCDA, DPWH, at NLEX Corporation, ay magbubukas ng mas mabilis at maayos na paglalakbay sa hilagang bahagi ng SCTEX. Ang proyektong ito ay magpapalakas sa connectivity ng Tarlac sa mga pangunahing economic zones tulad ng New Clark City, Subic Bay, at Clark Freeport Zones, habang binabawasan ang trapiko sa MacArthur Highway at iba pang pangunahing kalsada.

Sa pangunguna nina Mayor Yap at Governor Yap, ang Tarlac ay patuloy na sumusulong sa dalawang mahahalagang aspeto ng pamamahala, ang pangangalaga sa kapaligiran at pagsulong ng connectivity.

At sa ganitong uri ng liderato, nasisiguro ang kapakanan ng mamamayan habang isinusulong ang pangmatagalang kaunlaran.

55

Related posts

Leave a Comment