ARESTADO ang isang Chinese national na suspek sa pamamaril sa kanyang kababayan noong Oktubre ng nakaraang taon sa Makati City.
Sa isinagawang press briefing sa Kampo Crame, sinabi ni PNP chief, General Nicolas Torre III, naaresto ang suspek na si Wang Danyu, 28-anyos.
Ayon kay Torres, inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest noong Hulyo 19, sa kasong murder.
Nakalabas na ng bansa ang suspek at nang lumamig ang kaso ay bumalik ito sa pamamagitan ng backdoor.
Una rito, nakatanggap ng intelligence report ang PNP dahilan upang gumawa sila ng special operations project na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Lumitaw rin sa isinagawang imbestigasyon na ang suspek din pala ang responsable sa pagdukot sa isa pang Chinese na acupuncturist sa Maynila. (TOTO NABAJA)
