CEBU CITY – Kalaboso ang isang aktibong pulis makaraang manloob sa isang furniture shop at magnakaw ng cellphone noong Lunes ng gabi sa lungsod.
Kinilala ang suspek si PSSG Abraham “Brian” Quijano, 45-anyos, may asawa, ng Barangay Tapol, Talisay City at nakatalaga sa RMFB-7.
Naaresto rin ang kanyang kasama na si Joel Butron Mandras, 41-anyos, may asawa, ng Brgy. Lower Lipata, Minglanilla.
Ayon sa ulat, dakong alas-10:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang Minglanilla Police hinggil sa nagpaputok ng baril sa Purok Nangka, Barangay Linao, Lipata.
Kaagad nagresponde ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek.
Nabatid sa imbestigasyon, pinasok ng mga suspek ang isang furniture shop at kinuha ang isang cellphone ng unang biktima na si Joy Mabalod Toliao.
Isa pang reklamo ang natanggap ng mga pulis na merong dalawang lalaki rin ang pumasok sa isang bodega at kinompronta ang mga biktima sabay sabing “manyakis mi” na ang ibig sabihin ay manyakis kami.
(TOTO NABAJA)
152 