NORTH SOUTH COMMUTER RAILWAY PROJECT ITUTULOY NA

MATAPOS ang dalawang taon na hindi nagagalaw, maipupursige na rin ang North South Commuter Railway project ng Department of Transportation (DOTr) sa tulong ng Manila LGU.

Nitong Martes ng umaga, personal na nagtungo sina Transportation Sec. Vince Dizon at Manila City Mayor Isko Moreno-Domagoso sa bahagi ng Old Antipolo Street kanto ng Abad Santos Avenue upang simulan nang gibain ang ilang mga istraktura.

Dito rin inilatag ang mga plano sa gagawing proyekto na ayon kay Dizon ay nasa mahigit isang kilometro lamang.

Aniya nai-award ang kontrata noong 2023 at ngayon lang ito nasimulang gumalaw sa ilalim aniya ng liderato ni Yorme, kaya laking pasasalamat ni Dizon at national government lalo na sa alkalde dahil masisimulan na ang proyekto.

Sinabi naman ni Domagoso na kung ano ang makabubuti lalo nasa ating mga kababayan, ang lokal na pamahalaan aniya ay susuporta 101 %.

“In fact totoo po ‘yung sinabi ni Sec. Vince na noong miniting niya kami ng team niya, sabi ko subukan ninyo naman bagong gobyerno ng Maynila because it’s been a delay for two years,” anang alkalde.

Sa nasabing panahon wala aniyang gumagalaw sa nasabing proyekto, upang masimulan na matapos umanong maharang ng nakaraang administrasyon.

Tiniyak naman ni Dizon na walang dapat ikabahala ang ilang mga bahay, paaralan, simbahan at iba pang establisyemento dahil hindi sila maaapektuhan sa oras na simulan na ang proyekto.

Nagpapasalamat naman si Mayor Isko sa DOTr dahil bukod sa hindi maaapektuhan ang ilang mga bahay, matutulungan pa ang Manila LGU na mapalawak pa ang floodway sa naturang kalsada upang maiwasan ang pagbaha mula Blumentritt sa Sta. Cruz hanggang Tondo

Simula namaan ngayong araw ay ipatutupad na ng Manila LGU na one-way ang daanan sa Old Antipolo Street para bigyang daan ang mga kagamitan partikular ang mga truck ng DOTr sa pagpapatayo ng North South Commuter Railway.

(JOCELYN DOMENDEN)

103

Related posts

Leave a Comment