NEGROS OCCIDENTAL – Isang guro na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation sa Sitio Tap-ok, Boulevard, Brgy. Enclaro, sa bayan ng Binalbagan sa lalawigan.
Itinuturing na isang high value target ang nadakip na drug personality na kinilalang si alyas “Joffel”, 42, guro, binata, at residente ng nasabing lugar.
Matapos ang inilatag ng intelligence operation ay ikinasa ang buy-bust operation laban sa target personality dakong alas-11:44 umaga nitong Lunes.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO NIR-Regional Special Enforcement Team (RSET) katuwang ang PDEA RO NIR-Negros Occidental Provincial Office (NOCPO), Binalbagan MPS, CGIU-SNOC, at PDEU NIR.
Nasamsam mula sa operasyon ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 25 gramo.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Seksyon 5 at 11, Artikulo II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Maaari siyang makulong ng habambuhay at magmulta ng halagang P500,000 hanggang P1,000,000 kung mapatunayan ng hukuman ang paratang sa kanya.
(JESSE RUIZ)
78
