‘KICKBACK’ UMABOT SA MALACAÑANG? BERSAMIN PUMALAG

“NOT TRUE.”

Ito ang mariing tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa akusasyon na tumanggap ng ‘kickbacks’ ang Office of the Executive Secretary (OES) mula sa Department of Public Works and Highways’ (DPWH) infrastructure projects.

Sa ulat, nabanggit kasi ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa di umano’y anomalya sa flood control projects, na noong 2024, nakapulong niya si Education Undersecretary Trygve Olaivar para pag-usapan ang unprogrammed appropriations na sinasabing nakaukol para sa Office of the Executive Secretary (OES).

Sinabi ni Bernardo na humirit sa kanya si Olaivar ng 15-percent cut mula sa P2.85 bilyong halaga ng infrastructure projects para sa tanggapan ni Bersamin, sabay sabing ang ‘agreed commission’ ay inihatid sa iba’t ibang lokasyon sa Metro Manila.

“I deny the imputation contained in the sworn statement of DPWH Undersecretary Bernardo submitted to the Senate Blue Ribbon Committee about the delivery of an ‘agreed 15 percent commitment’ supposedly for the Office of the Executive Secretary,” ang sinabi ni Bersamin sa isang kalatas.

“In the first place, the OES has no involvement in any way with budgetary allocations relevant to the DPWH,” aniya pa rin.

Winika pa rin ni Bersamin na ang kanyang tanggapan ay hindi kailanman nakipag-deal kay Bernardo o kay Olaivar, tinuran pa rin niya na ang alegasyon ay pinabulaanan na ng Education official.
Inilarawan niya ang akusasyon bilang isang pagtatangka na wasakin ang kanyang reputasyon.

“I stand by my untarnished record as a long-serving public servant, first as a career judicial officer, and now as the Executive Secretary,” ani Bersamin.

Romualdez, Yap nag-deny rin

Kasabay nito, idinawit naman ni retired Marine Sgt. Orly Gutesa, dating close-in security ni Rep. Zaldy Co, si dating House Speaker Martin Romualdez at Benguet Rep. Eric Yap sa pagdedeliber ng milyong pisong kickback.

Pero mariing itinanggi ni Romualdez ang akusasyon.

“I was shocked. These statements are perjurious and politically motivated. Hindi ko ito palalampasin,” ani Romualdez.

Depensa pa niya, imposibleng may nagdeliver ng pera sa kanyang bahay sa McKinley dahil under renovation ito noon pa.

Ayon pa kay Gutesa, maliban sa McKinley, dinala rin umano ang pera sa Forbes Park at sa bahay ni Romualdez sa Aguado St., malapit sa Malacañang.

“Hindi ako kailanman tumanggap ng kickback. Hindi ko kailanman nilustay ang pondo ng bayan. Hindi ko kailangan ng perang galing sa masama,” dagdag pa ni Romualdez.

Itinanggi rin ni Rep. Eric Yap ang pahayag ni Gutesa na isa siya sa naghatid ng 46 maleta ng pera kay Co.

“I categorically deny any involvement. I never accepted, nor authorized, the delivery of money connected to flood control projects. These claims are untrue,” giit ng mambabatas.

(CHRISTIAN DALE/BERNARD TAGUINOD)

29

Related posts

Leave a Comment