HOPE ni GUILLER VALENCIA
“DO not fret because of evildoers, nor be envious of the workers of iniquity. For they shall soon be cut down like the grass, and wither as the green herb,” Psalm 37:1 (KJV).
Maraming tao ang nadidismaya kapag nakakikita sila na umuunlad at nagiging matagumpay ang iba. Nakikita nila kung anong kasaganaan mayroon ‘yun iba kumpara sa kung ano lang mayroon sila. At totoo, na upset sila kung higit na masagana ang iba kaysa kanila.
Ang ating verse sa bible ngayon, sinasabi na huwag tayong mag-alala dahil sa pag-unlad at matagumpay ang evildoers at huwag natin kainggitan sila. After all, hindi atin dapat kainggitan ang sinoman, ang inggit (envy) ay kasalanan (Romans 1:29). Pag-iimbot (covetousness), selos (jealousy), at inggit (envy), ang mga ito’y kasalanan. Subalit ang inggit ay pagnanasa na maging katulad ng tao na may bentahe (advantages). Ang inggit, selos, at pag-iimbot ay closely related and often found combination, na nagbubunga ng walang katapusang pagkukumpara between oneself and someone else.
Ang ating verse ngayon ay nagpapahiwatig na walang saysay ang mainggit sa mga gumagawa ng kasamaan, hindi worthy na kainggitan sila. Sila ay mga taong tulad ng mga damong tatagpasin, (Psalms 37:1). Ang katapusan ng mga makasalanan ay destruction and desolation. Ang makasalanan ay maaaring umunlad at magtagumpay, subalit ito’y limitado o pansamantala lamang. Bakit tayo dapat mainggit? Bakit tayo mababalisa sa taong doomed to destruction?
Sabi rin sa verse natin, ang wicked ay mag-“wither as the green herb.” Ang buhay natin ay pansamantala lamang at panandalian lang katulad ng mga damo sa parang.
Anomang mayroong kasaganaan ang masasama, ito’y pansamantala at panandalian lang. Ang mga masasama ay ipinagpalit nila ang buhay na walang hanggang at kapayapaan sa pansamantala at limitadong kasaganaan. Kung sila ay hindi malanta at kumupas sa buhay ngayon, subalit sa kabilang buhay sila ay ‘di makaliligtas!
Marami na tayong napapanood na mga balita sa television na kung saan ang mga makasalanan ay bumabagsak. Ang mga news na ito ay mga aral na totoo ang katotohanan ng Psalm 37. Kaya, tigilan natin na ikumpara ang ating mga sarili sa iba, lalong higit sa masasama! (givalencia777@gmail.com)
