P928-M DROGA NASAMSAM NG PDEA

UMABOT sa P928 milyong halaga ng illegal drugs ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang iba pang law enforcement agencies sa buong bansa, sa loob lamang ng nakalipas na linggo mula sa 89 anti-narcotics nationwide operation na inilunsad mula Oktubre 10 hanggang 17 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 142 drug personalities.

Kabilang sa major accomplishments nitong nakalipas na buong linggo ang inilunsad na buy-bust operations, search and seizure warrants, marijuana eradication drives, interdictions, at turn-over ng suspected illegal drugs, patunay ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng PDEA na masawata ang illegal drugs sa mga komunidad.

Ang ikinasang anti-illegal drug operations ay nagresulta sa pagkakasamsam ng iba’t ibang uri ng droga kabilang ang shabu (methamphetamine hydrochloride): 109,681.84 grams (crystalline) at 28 ml (liquid) shabu; cocaine: 17,100 grams; marijuana: 62,344.82 grams ng kush, 14.17 grams ng dried leaves, 81,920 marijuana plants, 124 ml ng marijuana oil, at 1,250 marijuana seedlings.

Sa 142 drug suspects na naaresto, 70 rito ay pushers, 34 drug den visitors or clients, 15 drug den owners or maintainers, 11 employees, at 12 possessors.

Pinapurihan naman ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez ang ipinakikitang dedikasyon ng lahat ng PDEA’s regional offices at katuwang na law enforcement agencies sa kanilang walang humpay na anti-illegal drug operations sa buong bansa.

(JESSE RUIZ)

18

Related posts

Leave a Comment