P6-M MARIJUANA PLANTS SINUNOG NG PDEA

ILOCOS SUR – Tinatayang umabot sa P3.7 milyong halaga ng cannabis sativa plants ang sinunog sa lalawigan sa isinagawang joint marijuana plant eradication sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency noong Huwebes.

Ayon sa ulat, limang marijuana plantation ang sinalakay ng mga operatiba ng PDEA sa Brgy. Licungan, Sugpon ng nabanggit na lalawigan na pinagbubunot bago tuluyang sinunog.

Naging katuwang sa marijuana eradication mission ang mga tropa ng Sugpon MPS (lead unit), ISPDEU, 1st ISPMFC, 2nd PMFC, PDEA RSET, PDEA RO1-ISPO, PDEA RO1-INPO, ISPIU, at ISPIDMU (KIMAT members) nang madiskubre nila ang mga taniman na marijuana.

Ang limang plantation sites ay may kabuuang land area na 2,900 sq.m. na natatamnan ng 18,500 na fully grown marijuana plants at 1,250 marijuana seedlings.

Tinatayang nagkakahalaga ng P3,750,000.00 ang winasak na marijuana plants. “The successful High Impact Operation (HIO) resulted in the destruction of approximately 18,500 fully grown marijuana plants with an estimated value of P3,700,000.00; and 1,250 pieces of marijuana seedlings worth P50,000.00, bringing the total value to P3,750,000.00.”

Walang naarestong marijuana cultivator sa naturang mga taniman ng marijuana.

Samantala, nasa P2.3 milyong halaga rin ng marijuana plants ang sinunog sa La Union ng mga tauhan ng PDEA Regional Office I – Regional Special Enforcement Team (PDEA RO I – RSET), katuwang ang La Union Police Provincial Office – Drug Enforcement Unit (LUPPO-PDEU), Santol Police Station, at 1st La Union Provincial Mobile Force Company (1st LUPMFC) Sitio Manaba, Barangay Tubaday, Santol, La Union.

Ayon kay PDEA Regional Director Atty. Benjamin G. Gaspi, “The destruction of these marijuana plantations is a testament to the unwavering commitment of PDEA and our partner law enforcement agencies in putting an end to the illegal drug trade in the Ilocos Region. Through our collective efforts, we are steadily moving toward a safer and drug-free Northern Luzon.”

(JESSE RUIZ)

 

15

Related posts

Leave a Comment