Higit 50,000 pulis ikinalat sa buong bansa HEIGHTENED ALERT NG PNP MANANATILI HANGGANG NOB. 3

MANANATILI ang heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) hanggang Nobyembre 3, 2025.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking ligtas at mapayapa ang publiko sa paggunita ng Undas 2025, itinaas ng PNP sa heightened alert status ang kanilang hanay simula nitong Miyerkoles.

Ayon kay PNP Acting Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng hakbang na palakasin ang presensya ng kapulisan, mapanatili ang kaligtasan ng publiko, at matiyak ang mabilis na pagtugon sa anomang emergency habang dagsa ang mga tao sa mga sementeryo, terminal, at mga lugar ng paggunita.

Dagdag pa ni Nartatez, wala pa silang natatanggap na anomang banta sa seguridad, ngunit patuloy ang mahigpit na koordinasyon ng PNP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapanatiling payapa ang paggunita ng Undas.

(TOTO NABAJA)

25

Related posts

Leave a Comment