NA-WASHOUT ang tatlong bahay sa Baseco Compound sa Tondo, Manila habang mahigit 30 bahay ang nasira sa Isla Puting Bato dahil sa paghagupit ng Bagyong Uwan, ayon sa kumpirmasyon ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso.
Ayon sa alkalde, tinangay ng malakas na agos ng tubig at malakas na hampas ng hangin ang tatlong bahay sa Baseco.
Bukod dito, sinabayan din ng high tide ang pananalasa ng bagyo nitong Sabado.
Samantala, mahigit 30 istruktura na yari sa kawayan ang napinsala sa Isla Puting Bato.
Wala naman naiulat na nasaktan sa nasabing insidente bunga ng maagang pagpapalikas ng pamahalaang lungsod sa lugar bukod sa ipinatupad na forced evacuation.
Inatas naman ng alkalde ang clearing operations para maalis ang mga debris na bunga ng epekto ng bagyo.
(JOCELYN DOMENDEN)
76
