P15K ABULOY SA SIMBAHAN, DINUGAS NG MENOR DE EDAD

CAVITE – Dinugas ng isang menor de edad at kasama nito ang tinatayang P15,000 na abuloy sa simbahan sa General Trias City noong Lunes ng gabi.

Hawak na ng Gen. Trias Component City Police Station ang suspek na si alyas “Hyden”, isang out of school youth ng Brgy. San Francisco, habang pinaghahanap ang kasama nitong si alyas “Tino”.

Ayon kay Father Ned Pelina, Parish Priest ng St. Gabriel Archangel Parish sa Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, bandang alas-7:40 ng gabi nang dumating siya sa simbahan nang mapansin na ang tatlong donation box ay nabasag gayundin ang salaming bintana ng simbahan.

Sa isinagawang backtracking ng pulisya sa CCTV, namukhaan ang mga suspek at sa isinagawang pursuit operation ay nahuli si Hyden sa Crystal Aire Subd., Brgy. San Francisco ng nasabing lungsod habang ang kasama nito ay patuloy na pinaghahanap.

Ang tatlong donation box ay naglalaman ng humigit kumulang P15,000.00.

(SIGFRED ADSUARA)

58

Related posts

Leave a Comment