ANG DEAL NG MGA KAWATAN

CLICKBAIT ni JO BARLIZO

PANIC mode na raw ang mga mandarambong.

Naku, ba’t naman natataranta na ang mga tulisan ng pera ng bayan?

Nasagap natin sa bulong-bulungan, may mga dambuhalang kontratista at opisyal na sangkot sa bilyong flood control projects ang kumikilos ngayon para mapigilan ang posibleng pagpasok nila sa selda.

‘Yan pala kaya tuliro na. Bakit hindi e ang balita isasampa na ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan. At alam n’yo ba? WALANG PIYANSA!

Isang libong tao daw ang posibleng makulong!

Buti sana kung isang libo’t isang tuwa kaso himas-rehas pala sa sanlibong pirata.

Kaya ang ginagawa ng mga takot makulong? Heto ang kwento, may nabuong kasunduan ang mga kawatan para hindi sila mapanagot sa kanilang mga kabalbalan.

Aba, may nilulutong masahol pa sa panis na kanin, at tayo na naman ang pinapakain.

Sukang-suka na nga tayo sa kanilang asal e isasalaksak pa sa ating lalamunan ang karumal-dumal nilang kabuktutan.

Eto, popondohan daw ng mga ‘to ang gulo at gagamitin ang mga rally ng simbahan bilang balat-kayo para kunyari ay magmukhang krusadang moral. Aba at plano palang i-hijack ang mga rally.

Naku, eto pa ang grabe: gagamitin daw ang militar sa niluluto ring destabilisasyon.

Ang kasunduan, kapag nangyari at naikasa ay iluluklok si VP Sara. Planado na kung paano makaliligtas ang mga kawatan na dahilan kung bakit nagkaletse-letse ang mga proyekto na dapat sana’y magbibigay proteksyon sa mamamayan.

Pansarili ang kanilang motibo. Wala talaga silang malasakit sa publiko, kasi nga naman, ‘yung pondo para sa taumbayan ay kanilang pinakialaman at ngayon ay gagamitin para pondohan ang mga rally para sa kanilang eskapo. Ang pondo para sa taumbayan ay gagastusin sa panlilinlang.

Iyan ang pulitika para sa iilan kaya maging mapanuri.

Gising na! Huwag nang magpagamit.

Tayo ang talo dito.

16

Related posts

Leave a Comment