INIHAYAG ni Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., hawak na ng pulisya ang natitira pang mga sangkot sa rape at robbery na mga tauhan ng PNP-DEU unit ng Calabarzon.
Matatandaan na pinasok ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit ng Calabarzon, ang bahay ng Grade 9 student sa Cavite upang hanapin ang nobyo nito na umano’y sangkot sa ilegal na droga.
Dahil wala ang target doon sa bahay ay ang biktima ang binalingan at hinalay ng kanilang team leader na may ranggong Lieutenant Colonel noong Nobyembre 22.
Kinumpirma naman ni PDEG Director PCol. Elmer Ragay, na isa lang ang nakasuhan ng rape, ang kanilang team leader.
Sa ngayon ay naka-detain sa Headquarters ng Support Service sa Camp Crame ang naarestong mga suspek.
(TOTO NABAJA)
49
