CELLPHONE NAIWANG NAKA-CHARGE, BAHAY NG NURSE SA CAVITE NASUNOG

NILAMON ng apoy ang bahay ng isang nurse matapos umanong maiwang naka-charge ang cellphone nito sa Amadeo, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat, tinatayang P80,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa bahay ng biktimang si alyas “Jordan,” 35, binata, residente ng Crisanto Delos Santos Avenue, Brgy. Poblacion 6, Amadeo, Cavite.

Sa y ng biktima, umalis siya ng bahay bandang alas-9:00 ng gabi at naiwan ang kanyang cellphone na naka-charge. Pagbalik niya makalipas ang halos 20 minuto, bandang alas-9:21 ng gabi, nadatnan na niyang naglalagablab ang kanyang bahay.

Agad siyang humingi ng tulong sa Amadeo Fire Station. Ideklarang fire-out bandang alas-9:44 ng gabi ang sunog.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang eksaktong pinagmulan ng apoy.

(SIGFRED ADSUARA)

41

Related posts

Leave a Comment