COMPLAINANTS, SOLONS SA IMPEACH BBM, VP SARA MANGANGAPA

TIYAK na mangangapa, hindi lamang ang mga complainant kundi maging ang mga kongresista sa Impeachment process hanggat walang pinal na resolusyon ang Korte Suprema sa mosyon na inihain ng Kamara sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno ang pahayag sa gitna ng mga impormasyon na hindi lamang si Duterte ang masasampahan ng impeachment case sa susunod na buwan kundi maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Bukod sa pagkontra sa desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment case laban kay Duterte, laman ng Motion for Reconsideration (MR) na inihain ng Kamara ang bagong patakaran na kailangan pa ring dumaan sa pagdinig ng House committee on justice ang isang impeachment complaint kahit inendorso ito ng 1/3 sa miyembro ng Kapulungan.

“That’s why kailangan ng klarong resolusyon ang ating Supreme Court dito sa mga isyung ito dahil mangangapa talaga ang ating mga complainant pati ang mga mambabatas kung papaano na ba ngayon ang procedure,” ani Diokno.

Sa ilalim aniya ng Saligang Batas, kapag 1/3 sa mga miyembro ng Kamara ang nag-endorso o nagsilbing complainant ay idederetso na ito sa Senado na tatayong impeachment court subalit binago ito ng Korte Suprema.

Dahil dito kailangan aniyang maglabas na ng pinal ng desisyon ang SC dahil kung hindi ay magkakaroon ng kalituhan at lalong mahihirapang mapanagot ang mga impeachable officials kapag nagkasala ang mga ito sa taumbayan.

“With regard to the motion for reconsideration, nasa Supreme Court pa po and we’re waiting for the Supreme Court action on that. So presumably if ever it is lifted or mabigyan due course yung motion for reconsideration, we expect the process will take off where it started, where it ended,” ayon naman kay Tingog party-list Rep. Jude Acidre.

Samantala, sinabi ni National Unity Party (NUP) chairman at Deputy Speaker Ronaldo Puno na hindi nila susuportahan ang impeachment case laban kay Marcos sakaling may magsampa dahil pagsasayang ito ng oras.

“So I was asked a question about whether or not the NUP was going to support an impeachment complaint against President Marcos and my answer was definitely obviously no,” ani Puno na lider ng NUP na pangalawa sa pinakamalaking partido sa Kamara na may 43 miyembro.

(BERNARD TAGUINOD)

42

Related posts

Leave a Comment