PORTUGAL KUMBINSIHIN PARA ‘DI MAGING KANLUNGAN NI ZALDY CO

KAILANGANG kumbinsihin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Portugal na huwag payagang maging kanlungan sila ng mga wanted na Pilipino tulad ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Ito ang payo ni Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima sa DFA na tanging ahensya na may karapatang makipag-negosasyon sa Portugal kung saan pinaniniwalang nagtatago si Co.

“It is highly doubtful if Zaldy Co even understands Portuguese. These factual circumstances on how a fugitive Filipino official is using Portugal as a safe haven to escape grave crimes should be impressed by the DFA on Portugal,” ani De Lima.

Mayroon nang inilabas na arrest warrant laban kay Co sa kasong non-bailable malversation of public funds kaugnay ng umano’y ghost projects sa Oriental Mindoro, at itinuturing siyang isa sa mga pangunahing personalidad sa likod ng malawakang anomalya sa flood control projects.

Kasabay nito, dapat seryosohin aniya ng gobyerno ang paghabol at pagpapanagot sa government officials na may ibang citizenship bukod sa pagiging Pilipino dahil ginagamit nila ito para takasan ang kanilang pananagutan sa bansa kapag nabuko ang kanilang katiwalian.

(BERNARD TAGUINOD)

58

Related posts

Leave a Comment