TUMAAS ng 40% ang pagproseso ng bagong business permits sa Maynila, kasabay ng malakas na renewal activity na indikasyon ng matatag na kalagayan ng negosyo sa lungsod.
Iniulat ito ni Bureau of Permits Director Levi Facundo kay Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso.
Hanggang Enero 25, 2026, nakaproseso ang lungsod ng 384 bagong business permits, mas mataas kumpara sa 176 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa bilang na ito, 159 permits na ang bayad—kapantay na ng naitalang bayad noong nakaraang taon kahit mas marami ang aplikante ngayon.
Samantala, umabot sa 45,261 ang business permit renewals, kung saan 37,484 ang bayad na, na may compliance rate na halos 82–83%.
“That’s about 82%, yes, actually almost 83% po, Mayor,” ani Facundo.
Pinalawig naman ng lungsod ang renewal period hanggang Pebrero 13, 2026 nang walang interest, penalty, o surcharge, ayon kay City Treasurer Atty. Paul Vega.
Para kay Domagoso, patunay ang datos ng tiwala ng publiko sa sistema at reporma ng Manila City Hall.
(JOCELYN DOMENDEN)
1
