SC: HINDI LANG IMPEACHABLE OFFICER, KUNDI PROSESO NG IMPEACHMENT DAPAT SINUSURI

NILINAW ni Supreme Court Associate Justice Amy Lazaro-Javier na hindi lamang ang impeachable officer ang dapat suriin, kundi pati ang mismong proseso ng impeachment bago magbigay ng hatol.

Ito ang binigyang-diin ng mahistrado sa kanyang boto na nagpapatibay sa naunang desisyon ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaang ibinasura ng SC ang Motion for Reconsideration ng Kamara dahil sa kawalan ng due process at paglabag sa one-year bar rule.

Ayon kay Lazaro-Javier, ang pananagutan ay para sa lahat—kaya’t hindi lamang ang opisyal na ini-impeach ang dapat suriin at husgahan, kundi pati ang institusyong nagsampa ng kaso.

Mahalaga aniya ang pagiging patas ng proseso, pagiging bukas ng mga pagdinig, at mahigpit na pagsunod sa Konstitusyon.

Binalaan ng mahistrado na kapag pabaya ang isinagawang impeachment, ang pinsala ay hindi lang sa opisyal na target nito, kundi pati sa tiwala ng publiko sa lehislatura at sa mismong Konstitusyon.

(JULIET PACOT)

24

Related posts

Leave a Comment