279 HOTEL AT RESORT PASADO SA DOT NA MAGNEGOSYO SA BORACAY

Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat

(Ni ABBY MENDOZA)

UMABOT sa 279 resort at hotel ang pinayagang mag-operate ng Department of Tourism (DOT) sa Boracay.

Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, nakapasa ang 279 business establishments sa hiniking mga doumento, at mga patakaran at alintuntunin DOT, Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of the Interior and Local Government (DILG), kaya inisyuhan sila ng sertipikasyon upang magmegosyo sa Boracay.

Ani Puyat, mayroong 10,000 kuwarto na kayang mag-accomodate sa mga turistang dadayo sa Boracay.

Naghigpit ang pamahalaan sa pagbibigay ng sertipikasyon sa mga negosyante na mag-operate sa Boracay upang hindi na maganap ang napakalalang suliranin sa Boracay, dahilan upang ta-wagin itong “cesspool” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak ng kalihim na tuluy-tuloy ang ginagawang ebalwasyon ng DOT sa mga hotel at resort upang matiyak na hindi makapagnenegosyo ang hindi tutupad sa mga batas at mga patakarang itinakda ng pamahalaan.

Sa kabilang bansa, pinaalalahanan ni Puyat ang mga may-ari ng resort at hotel na maaari pa ring mabawi ang inisyung sertipikasyon kung magpapabaya at hindi susunod sa kanilang itina-kdang mga patakaran.

172

Related posts

Leave a Comment