Upang mapaganda pa ang serbisyo-publiko
Sa layuning higit pang mapaganda ang paghahatid ng serbisyo-publiko, nagdaos ng dalawang araw na seminar ang Aircraft Operations Division (AOD) ng Port of NAIA para sa kanilang mga tauhan.
Sa pangunguna ni Mr. Jovic Gallo ng AOD, ang 2-day seminar ay nakasentro sa usaping may kinalaman sa Customs boarding formalities; airport protocol at etiquette; AOD uniform; pre-arrival of the aircraft; entrance & clearance of aircraft in foreign commerce; flowchart for arriving & departing aircraft search; movement of cargoes; cargo classification; violations & penalties for entrance & clearance of aircraft at iba pang process updates ng nasabing dibisyon.
Nagsilbing lecturers sa seminar ay sina Atty. Ma. Lourdes V. Mangaoang, Deputy Collector for Passenger Service; Dr. Elizabeth B. Pableo, OIC, Arrival Operations; at Ms. Amalia B. Apolonio, Customs Operations Officer III, Export Division.
Ayon pa kay Customs NAIA District Collector Mimel M. Talusan, ang patuloy nilang pagbibigay ng in-house seminars sa kanilang mga tauhan ay upang matiyak na magiging maganda ang kanilang serbisyo sa publiko.
Bukod sa bahagi rin umano ito sa ipinatutupad ng BOC na Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) o Republic Act No. 10863.
Kasabay nito, binigyan naman ng komendasyon ang topnotchers mula sa isinagawang AOD examination na isinabay sa flag-raising ceremony noong Hulyo 8, 2019.
Ang Customs-NAIA ang isa sa mga pwerto sa buong bansa ang may pinakamalaking naiaambag pagdating sa collection ng BOC dahil sa rami ng kanilang mga nasasabat na ilegal na mga kargamento tulad ng mga karneng kontaminado ng ASF, ilegal na droga, smuggled beauty products at iba pa.
(Jomar Operario)
405