PCG PUMASOK NA RIN SA ‘TARA’ GAMIT ANG E2M

PCG-4

(SAKSI REPORTORIAL TEAM)

Pinaniniwalaang pumasok na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kontrobersyal na tara system gamit ang umano’y access sa E2M, makaraang maaresto ang isang indibidwal na nakilala sa pangalang Vincent Marinas.

Nahuli umano ito sa  loob mismo ng opisina  ng PCG  sa NPO building.

Ayon sa nakalap na impormasyon, si Marinas ay ginagamit umano  ng PCG upang mangolekta   ng tara sa mga tinaguriang player sa Aduana ng 2K per lata.

Napag-alaman din na sa loob ng opisina ng PCG sa Customs ay may mga computer na may access sa E2M, kung  saan ang mga ito ay ginagamit upang masilip ang mga kargamento ng importers.

Samantala, dalawa pang indibidwal  ang naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Customs Police at Customs Intelligence  and Investigation Service (CIIS) matapos na walang maipakitang identification card na sila ay mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC).

Nakilala ang mga ito na sina John Bryan Malana at Jomar  Bernardo na nahuli sa loob mismo ng tanggapan ng Import Assessment Service (IAS).

Base sa impormasyon, noong Hulyo 3, 2019, sinita sina Malana at Bernardo, ngunit walang maipakitang ID ang mga ito na magpapatunay na sila ay empleyado ng BOC. Wala rin umanong maipakitang ESS access pass  ang mga ito dahilan para sila ay imbitahan sa opisina ng CIIS upang imbestigahan.

120

Related posts

Leave a Comment