PPO NAGPAMALAS NG HUSAY SA ANTIQUEÑOS SA SAN JOSE AT PANDAN

Philippine Philharmonic Orchestra-1

Sa kabila ng mga paulit-ulit na mga pag-ulan, ang lively performance ng Philippine Philharmonic Orchestra (PPO), sa ilalim ng baton ni Maestro Herminigildo Ranera ay nagbigay kulay at buhay sa mga residente ng mga bayan ng San Jose Buenavista at Pandan sa Antique.

Ginanap noong Hunyo 30 at Hulyo 1, ang outreach concerts ng PPO ay naging makabuluhan sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines president na si Arsenio “Nick” Lizaso.

Ang concerts na ito ng PPO ay naging matagumpay sa suporta ni Antique Congresswoman Loren Legarda, na dumalo sa dalawang concerts, Antique Provincial Governor Rhodora J. Cadiao, San Jose de Buenavista Municipal Mayor Elmer C. Untaran at Pandan Municipal Mayor Plaridel E. Sanchez VI.

Nasa kaliwang larawan ang pagtatanghal ng Philippine Philharmonic Orchestra sa pangunguna ni Maestro Herminigildo Ranera habang umaawit ang guest soloist na si Santhea Jane Atienza sa Evelio B. Javier Freedom Park sa San Jose de Buenavista, Antique. (Kuha ni Orly Daquipil)

99

Related posts

Leave a Comment