Maraming tao ang apektado ng hyperhidrosis o sobrang pagpapawis.
Sinasabi sa pag-aaral na kung ito ay nararanasan maaaring may koneksyon ito sa pagkakaroon ng thyroid problems, impeksyon o diabetes na pwedeng ikonsiderang babala sa kalusugan.
Bagama’t hindi naman ito life-threatening na kondisyon, malaking sagabal ito sa pang-araw-araw na takbo ng buhay. Isang epekto nito ay nakababawas ng kompiyansa sa sarili dahil nahihiya ka sa sobrang pawis na sobra-sobrang lumalabas sa katawan. Posible rin na kapag walang kontrol dito nauuwi rin ito sa malalang kaso pa na maaaring magdulot ng masamang amoy.
Ang sobrang pagpapawis ay normal na narararamdaman, lumalabas o aktibo sa mga parte ng katawan tulad ng mga kamay, paa, kilikili at singit dahil mas active rin dito ang sweat glands.
Mga uri ng hyperhidrosis
– Focal hyperhidrosis: ang sobrang pagpapawis na ito ay localized o sa iilang parte ng ating katawan. Ang isang halimbawa nito ay palmoplantar hyperhidrosis o sobrang pagpapawis ng mga palad o talampakan.
– Generalized hyperhidrosis: Ito ang tinatawag na sobra-sobrang pagpapawis ng buong katawan. Ang hyperhidrosis na ito ay maaaring magsimula nang maisilang ang tao o sa huling bahagi ng kanyang buhay. Gayunman, karaniwang kaso ng excessive sweating ay maaaring magsimula sa teenage life.
Ang ganitong kondisyon ay maaaring may kinalaman sa sakit ng isang tao, o sadyang hindi sanhi nito.
– Primary idiopathic hyperhidrosis: Kapag sinabing “idiopathic” ito ay nangangahulugang “hindi alam ang sanhi”. Sa karaniwan o majority na mga kaso, ang hyperhidrosis na ganito ay localized.
– Secondary idiopathic hyperhidrosis: Ang taong sobrang pagpawisan ay dahil sa sinasabing health condition nito. Ang sakit ay maaaring obesity o sobrang katabaan, gout, menopause, tumor o cancer, mercury poisoning, diabetes mellitus, o hyperthyroidism (overactive thyroid gland).
May mga taong hirap sa kondisyong ganito dahil maliban sa sila ay nahihiya dala ng matinding pagpapawis ay nagdudulot din ito sa kanila ng sobrang pag-aalala.
Naroon ang pag-aalala dahil apektado ang kanilang career choices, free time activities, personal relationships, self-image, at emotional well-being.
Sa ganitong sitwasyon, dapat itong agapan dahil may mga paraan naman para epektibong malabanan ang mga sintomas na dala ng hyperhidrosis.
Ngunit sa kabila nito, marami pa ring mga pasyente ng nasabing kondisyon na hindi sumasangguni sa doktor sa dahilang naroon ang kanilang hiya o sadyang iniisip nilang wala nang lunas ang kasong ito.
Maliban pa rito, ang hyperhidrosis ay tinatawag ding sobrang pagpapawis na sumisira sa normal na takbo ng buhay. Ang episodes o periods ng excessive sweating na ito ay nangyayari rin isang beses sa loob ng isang linggo na walang malinaw na rason at iba talaga ang epekto nito sa social life o daily activities ng isang tao.
Mga senyales at sintomas ng hyperhidrosis ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
* Mamasa-masang palad o mismong kamay
* Mamasa-masang talampakat o mismong ang buong mga paa
* Madalas na pakiramdam na pamamasa
* Halatang pamamasa ng anumang bahagi ng katawan na tumatagos sa damit
* Pamamawis ng singit
Ang hyperhidrosis ay maaaring mangyari o lumala depende rin sa sitwasyon:
-Kung sobra ang init ng panahon
-Kung kinakabahan
-Kung stressed out
-Kung kulang sa tulog
-Kung kulang sa fluid o tubig ang katawan
Ang mga taong dumaranas ng hyperhidrosis ay nakararanas ng mga sumusunod:
* Iritable at mayroong skin problems, gaya ng pagkakaroon ng fungal o bacterial infections
* Inaalala ang pagkakaroon ng mantsa o pamamasa ng damit na suot
* Alangang magkaroon ng physical contact sa iba. Halimbawa nito ay ang pakikipaghawak-kamay, pag-angkla sa iba, at iba pa
* Self-conscious
* Socially withdrawn, o inihihiwalay (isolation) ang sarili sa iba kaya posible rin ito sa depression
* Namimili rin ng uri ng trabsselect physical contact o human interaction
* Nauubos ang oras sa kapupunas ng mga basang parte ng katawan. Halimbawa nito ay pagpapalit ng damit, medyas, panyo, o underwear. Sa ganitong sitwasyon din ay kailangang magdala ng ekstrang mga damit, medyas, panyo, underwear o towel
* Inaalala ang pagkakaroon ng body odor o malalang amoy sa kilikili, mga paa, o sa singit
Malalaman ding sobra-sobra ang pawis na maliban sa basa na ang damit ay maaaring tumutulo ang pawis mula sa kamay habang may hawak na telepono, o anumang bagay.
Maaari rin naman na mabasa ang papel na sinusulatan o mag-iwan ng basang mga marka ng paa sa sahig kung ang tao ay nakayapak.
Mga solusyon para sa hyperhidrosis:
– Kailangang magpasuri sa doktor para sa angkop na gamutan
– Maaaring baguhin ang lifestyle
– Umiwas sa mga spicy food, gaya ng mga pagkaing may sili, bawang, sibuyas at iba pa
– Magsuot ng manipis at cotton na uri ng damit
– Gumamit ng antiperspirant deodorant na may aluminium chloride
– Matulog sa oras at nasa ayos
– Iwasang ma-stress
– Maligo nang regular, maayos at gumamit ng germicidal soap
1447