MGA DILAWAN NA INIREKLAMO NG SEDITION AT IBA PA, KINAKABAHAN NA?

PRO HAC VICE

May patunay na kinakabahan na ang ilang mga ini-rereklamong dilawan.

Dahil sa halos magkasunod na linggo, parehong nagpapasaklolo sa Court of Appeals (CA) ang mga ito gaya nina attorneys Theodore Te, Erin Tañada at Chel Diokno. Pinahaharang nila sa CA ang preliminary investigation na isinasagawa ng Department of Justice (DOJ) sa mga kasong kinakaharap ng mga ito gaya ng sedition, libel, cyber libel, estafa, harboring of criminals at obstruction of justice na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban sa kanila dahil sa umano’y kawalan ng sapat na basehan.

Pero noon ang sabi ng mga dilawan, nang lumabas sa social media ang video ng “Ang Totoong Narcolist” na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalakalan ng ilegal na droga, kailangan daw imbestigahan ang pamilya ng pangulo.

At kahit saang lugar sila ma-interview noong kasagsagan ng kampanya ng nakalipas na eleksyon, ang sabi nila ay dapat daw malaman ang katotohanan ng isiniwalat ng naturang video.

Tapos ngayong kinasuhan sila ng sedition at iba pang kasong kriminal ng PNP-CIDG ang sigaw nila ngayon ay “kalokohan” ‘yung kaso laban sa kanila dahil ‘yung tao raw na nagpalabas ng naturang video at nag-uugnay sa kanila sa pagpapalabas ng video ay hindi dapat paniwalaan dahil sinungaling daw ito at walang kredibilidad.

Ito’y patungkol naman kay Peter Joemel Advincula ang whistleblower at pangunahing testigo ng PNP-CIDG sa kanilang isinampang reklamo sa DOJ laban kay Vice President Ma. Leonora Robredo at mahigit sa 40 iba pa.

Kung totoong kasinu-ngalingan at kalokohan lang ang isinampang reklamo ng PNP-CIDG laban sa inyo bakit takot na takot kayo at sa sobrang takot ninyong nagpasaklolo pa kayo sa CA?

Alam ninyo kung naniniwala kayo sa justice system ng bansa at wala kamo kayong kinalaman o alam sa isinampang reklamo ng PNP-CIDG laban sa inyo, dapat kayong maging kampante dahil tiyak namang ibabasura ‘yan ng DOJ kung walang probable cause o sapat na basehan ‘yung isinampang reklamo laban sa inyo.

Pero kung may batayan ay maghihimas kayo ng rehas? (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

141

Related posts

Leave a Comment