PAGBUBUKAS NG ‘OPASCOR FINGER PIER’ SUPORTADO NG PORT OF CEBU

OPASCOR FINGER PIER

(Ni JOEL O. AMONGO)

Suportado ng Port of Cebu ang pagbubukas  ng  Finger Pier  ng Oriental Port and Allied Services Corporation (OPASCOR) noong Setyembre 30.

Naging panauhing pandangal  si Cebu Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza sa okasyon na kung saan sa  kanyang mensahe ay ipinaabot nito ang kanyang buong suporta sa programa at aktbidad  ng OPASCOR.

Ang OPASCOR, ay isang  enterprise na nagbibigay ng exclusive cargo handling service, na bukas para sa bagong finger pier para magsilbing extension ng Cebu International Port (CIP) para maabot ang pagtaas ng pangangailangan ng international trade sa Queen City of the South.

“On the part of the Bureau of Customs Port of Cebu, I give my assurance that our people and electronic portals are ready and able to handle the increase of volume, and faster flow of goods which we anticipate with the opening of this Finger Pier. The Bureau of Customs also makes sure that we constantly enhance our risk management and trade facilitation capacity so that those dreaded delays in shipments due to customs regulations are kept to a minimum, without compromising trade security and revenue collection. For national development, we are all in this together, fingers of the same hand. And so it must be, we all work for it ,” ayon kay Mendoza.

Ang nasabing okasyon ay dinaluhan at suportado  rin ng Cebu Port Authority, sa pamumuno ni General Manager Leonilo Miole, stakeholders at mga employado ng CIP.

357

Related posts

Leave a Comment