TAGULAMIN SA DAMIT, PAANO MAWAWALA?

TAGULAMIN

ANO ANG TAGULAMIN?

Ang mildew o tagulamin ay kumakapit o nabubuo kapag ang damit na nagamit na ay matagal nang hindi nalalabhan.

Maaari ring kapitan ang damit ng mildew na ito kapag ang damit ay basa at iniwang nasa laundry basket lamang o iniwang hindi nakasampay.

TAGULAMIN-2Ang tagulamin kapag hindi naagapan ay magiging mantsa sa damit. Mayroon din itong hindi kaaya-ayang amoy na tulad talaga sa amoy na ibinibigay ng lumot. Kaya kung hindi mawawala ang ganitong uri ng mantsa ay nasasayang lamang ang damit – lalo na kung branded.

Bumabaho ang damit dahil sa tagulamin dahil na rin sa mold o fungi na nabubuhay sa damp places, kabilang dito ang garment bags at space na nasa likod ng inyong closet doors. Tandaan natin na kahit saan ay may moisture, kaya naman ang tagulamin ay pwedeng maging unwanted guest na aaktong at home talaga ang mga ito.

MATATANGGAL PA BA ANG TAGULAMIN SA DAMIT?

Posible bang mawala pa ang tagulamin na kumapit sa damit?

Posible naman pero ang kailangan dito ay todo effort at paglalaanan talaga ng oras.

Ang pinakamadali sigurong paraan dito ay maghanap kayo ng aid mula sa inyong kitchen pantry. Tulad nito ay asin at lemon.

Solution 1:

LEMON-4Paghaluin lamang ang lemon juice at asin para makabuo ka ng thick paste at ikuskos ito sa mildewed-infested areas ng damit, kumot, kurtina, bedsheet at iba pang kinapitan nito.

Hayaan ang paste sa tela nang ilang minuto. Sabunin at banlawan. Kapag naroon pa rin ang mantsa ay muling ulitin ang procedure hanggang sa mawala ang tagulamin saka isampay na nakabilad sa araw.

Solution 2:

Pwede ring maging option ang pagsamahin ang tubig at suka.

Siguraduhing nasa equal parts ang dalawang ito na may sapat na dami – depende sa dami rin ng damit. Sa solution na ito ay ibabad ang damit na may mild na tagulamin. Para sa tougher stains, gumamit ng full-strength vinegar.

Solution 3:

Option din na gumamit ng borax.

Ang combination nito na boron, sodium, oxygen at water, ay tinatawag na all-natural mineral na karaniwan nang panlaban sa tagulamin. Maghalo lamang ng dalawang litro ng tubig sa dalawang tasang borax, at ikuskos ang solution na ito sa mildewed areas ng damit o tela.  Sunod dito ay i-saturate ang garments sa solution hanggang sa ang stains ay mawala nang tuluyan – proseso ito na aabutin ng ilang oras.

Kapag natanggal na ang mantsa ay agad itong labhan at banlawan nang mabuti. Patuyuin agad nang natural o gamit ang dryer.

Solution 4:

Maaari ring asahan ang bleach para rito.

TAGULAMIN-3Ang bleach ay nakatatanggal ng mildew stains, pero dapat na ma­ging maingat sa paggamit nito. Mas mabuting gumamit ng bleach na akma sa mga puti at bleach para sa decolor na mga damit o tela. Kung hindi magiging maingat sa paggamit ng chemical na ito ay lalo lamang na masisira ang damit.

Para sa washable fabrics, ikuskos ang small amount ng powdered detergent sa mildew stains. Depende kung allowed ng tags, labhan ang damit sa mainit na tubig at magdagdag ng kalahating tasang chlorine bleach. Kapag hindi pwede, base sa clothing labels, ang bleach at hot water, ibabad ang damit sa quarter cup ng oxygen bleach – labeled perborate or all-fabric – sa isang gallon ng warm water. Makalipas ng 30 minuto o higit pa ay dapat nang mawala ang mantsang nakakapit sa damit.

NAGDUDULOT BA NG SAKIT ANG TAGULAMIN?

Ang matagal na pagkalantad sa mold at mildew ay maaaring makapaghatid sa atin ng serious consequences para sa ating kalusugan at well-being.

May mga taong kaagad na nahihirapang huminga matapos na ma-expose sa spores, lalo na kung sila ay nakadikit sa damit o tela na malapit naman sa ating bibig at ilong.

Dahil mahirap namang iwasan ang kapaligiran – indoors at outdoors – ng mold and mildew, mahalagang magkaroon ng regular na pag-eeksamin sa mga damit o anumang tela na nasa bahay. Suriin kung ang mga ito ay may mantsa at agad na tanggalin o remedyuhan ito.

Ang paghawak at paglanghap sa mold and mildew ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng isang wide range of health problems – sa allergic o non-allergic man na tao – kahit pa ang spores ay patay o buhay.

sneezeAng sakit na maaaring makuha rito ay kinabibilangan ng throat irritation at nasal issues tulad ng congestion, sneezing at bloody noses. Maaari ring magtubig ang mga mata at mamula ang mga ito habang ang balat ay maaari ring mag-break out in hives o rashes.

SINO ANG MAAARING MAAPEKTUHAN?

Karaniwan ito sa mga bata at matatanda lalo na kung mahina talaga ang kanilang mga resistensya.

Ang mga taong high risk sa mildew-related health ailments ay kinabibilangan ng mga sanggol, bata, mga buntis, mga immune-compromised na pasyente, mga matatanda at sa mga may existing respiratory conditions.

Ang sinumang may history ng respiratory problems ay dapat maiiwas sa damo areas – na nagiging breeding grounds para sa mold and mildew – partikular sa mga taong may chronic lung illnesses, tulad ng asthma, sleep apnea at chronic obstructive pulmonary disease.

XrayAng mga health problem na sanhi ng mold and mildew ay maaaring mangyari sa mga taong nakakalanghap ng large quantities of spores. Sa pag-aaral noong 2004 na isinagawa ng Institute of Medicine sa Amerika, isang possible link na nakita sa pagitan ng mold exposure at upper respiration problems. Kapag exposed sa mold spores, ang mga may asthma ay nakikitang mas nahihirapan sa sintomas na dala nito, at maging ang healthy participants na exposed sa mold and mildew-infested areas ay nakararanas ng pag-ubo at paghinga. Nadiskubre rin ng Institute of Medicine ang limited findings na link sa mold exposure sa respiratory illness sa mga bata na healthy naman kung tutuusin.

4691

Related posts

Leave a Comment