Mga taga National Capital Region (NCR) ang dapat na laging sumunod sa paalala sa kanila ng mga taga local government units na maging laging alerto dahil mayroon po tayong dalawang fault line na sinasabing hinog na at anumang oras ay maaari na itong bumigay.
Ayon kay Dr. Arturo Daag, hepe ng Science Research Specialist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, na ang dalawang fault line na binabantayan nila sa Metro Manila ay ang east at West Valley Fault.
Ang east valley fault line ay nasa may Montalban Rizal aniya at kayang mag-generate ng 6.5 magnitude na lindol.
Habang ang West Valley Fault naman ay kayang mag-generate ng 7.2 magnitude na lindol o ang tinatawag na the big one.
Ang West Valley Fault aniya ay huling gumalaw 400 taon na ang nakalilipas at kung pagbabatayan ay maaari itong gumalaw anumang oras mula ngayon. Pero maaari rin naman aniyang sa pagsapit pa ng anim na raang taon saka ito gumalaw.
Batay kasi aniya sa pag-aaral ay 400 hanggang 600 taon ang repeat cycle ng lindol na ito.
Kaya naman paalala ni Director Daag, mahalaga na ngayon palang ay maghanda na ang publiko at makiisa kung mayroong isinasagawang earthquake drill upang maging handa sakali mang dumating ang tinaguriang “The big one”.
Maliban sa pagsanay sa sarili sa Duck, Cover and Hold mahalaga aniyang tiyakin din ang tibay ng inyong bahay kung ligtas ito sa lindol.
Para naman sa ating mga kababayan na nais malaman ang tibay ng inyong mga bahay ay maaaring makapag download ng kanilang mga katanungan sa website ng Phivolcs.
Kaya po sa mga narito sa NCR huwag ho tayong maging pasaway ha?! (Pro Hac Vice / BERT MOZO)
154