Kapag pumupurol na ang utak pwedeng-pwede nating asahan ang mga pagkaing magpapatalas muli ng ating isip.
Dahil control center ng ating katawan ang utak, in charge rin ito para mamantina ang pagtibok ng puso at mapagana ang ating baga at upang tayo ay makakilos nang maayos, makaramdam nang tama at makaisip nang naaayon.
Sa ganitong sitwasyon ay mahalagang mapanatiling maayos ang kondisyon ng ating utak.
Ang ating mga kinakain ay may malaking epekto sa ating pag-iisip. Kung healthy ang kinakain ay asahang magiging healthy rin ang result ng functions nito.
Para mapagana nang maayos ang ating isipan, sundin ang mga payong ito, kumain nang tama at nasa oras.
FATTY FISH
Kung brain food ang pag-uusapan, kadalasang nasa top of the list ang fatty fish.
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang salmon, trout, sardines na pawang mayaman sa omega-3 fatty acid.
Tinatayang 60 porsyento ng ating utak ay yari sa fat at ang kalahati nitong fat ay omega-3 na uri.
Ang utak natin ay gumagamit ng omega-3s para makabuo ng maayos na functions ng brain at nerve cells at ang fats na ito ay kailangan para sa learning at memory.
Ang omega-3s na ito ay may karagdagang benepisyo pa para sa ating utak. Ito ay kayang magpabagal ng age-related mental decline at mapabuti ang kondisyon ng may Alzheimer’s disease.
Kapag kulang sa omega-3s, tayo ay malapit sa depression at hirap na matuto sa mga bagay-bagay.
Kapag regular tayong kumakain ng isda partikular ang mga nabanggit na uri nito, maraming benepisyo pa tayong nakukuha. Kung ang pagkakaluto ay baked o broiled sa isda, nagkakaroon tayo ng gray matter sa ating brains. Ang gray matters ay naglalaman ng mas maraming nerve cells na kumukontrol sa decision making, memory at emotion.
COFFEE
Napakaraming benepisyo ng kape sa ating kalusugan.
Ang dalawang component nito na antioxidant at caffeine ay nakatutulong nang malaki sa ating utak.
Ang caffeine ay tulong para tayo ay maging alerto. Hinaharangan kasi nito ang adenosine, isang chemical messenger para ikaw ay antukin.
Ang caffeine ay nakatutulong para gumanda ang mood dahil binu-boost nito ang ating “feel-good” neurotransmitters, gaya ng serotonin.
Pinatatalas din ng caffeine ang ating konsentrasyon kaya naman sa halos buong araw ay productive tayo.
Kapag matagal ka nang nainom ng kape ay naiiwas ka nito sa peligro ng neurological diseases, gaya ng Parkinson’s at Alzheimer’s.
TURMERIC
Isang uri ito ng luya na kung tawagin din ay deep-yellow spice na ginagamit sa curry. May benefits ito sa ating utak.
Ang curcumin na active ingredient sa turmeric ay nagpapakita na kaya nitong matawid ang blood-brain barrier, ibig sabihin ay kaya nitong dumirekta papasok sa utak at matulungan ang cells na gumana nang maayos.
Ang kahusayan ng antioxidant at anti-inflammatory compound nito ay makatutulong para gumanda ang takbo ng isip ng may Alzheimer’s.
Panlaban din ito sa depression dahil pinagagana nito ang serotonin at dopamine, na nakagaganda ng mood.
Nakatutulong din ito para makalikha at mapaganda ang bagong brain cells.
BROCCOLI
Tadtad ito ng powerful plant compounds, kabilang pa rin ang antioxidants.
Mataas din ito sa vitamin K, na kayang mag-deliver ng mahigit sa 100 porsyento ng Recommended Daily Intake sa isang tasang serving.
Ang fat-soluble vitamin na ito ay mahalaga para sa pagbuo ng sphingolipids, isang uri ng fat na tightly packed into brain cells.
DARK CHOCOLATE
Ang dark chocolate at cocoa powder ay naglalaman ng few brain-boosting compounds, kabilang na ang flavonoids, caffeine at antioxidants.
Ang flavonoids ay isang grupo ng antioxidant plant compounds.
Ang flavonoids na nasa chocolate ay nabubuo sa areas ng utak na may kinalaman para tayo ay matuto at maging maganda ang memorya.
487