PH BASEBALL TEAM: GIRL WONDERS NG BFA CUP  

BASEBALL

BINUO ng Philippine amateur Baseball Association ang pambansang koponan sa women’s baseball para dalhin ang bandera ng bansa sa darating na Southeast Asian Games na idaraos dito.

Hindi nakasama ang koponan sa ika-30 selebrasyon ng tuwing ikalawang taong palaro dahilan sa isyu ng teknikalidad.

Sa halip ay pinadayo sila sa Guangdong, China kung saan ay umani sila ng tagumpay at karangalang ni sila at ang kanilang mga opisyal ay di man pinangarap na kanilang matatamo.

Bumalik ang ating mga babaeng beysbolista noong Sabado na dala ang medalyang tanso tanda ng kanilang pagtatapos sa pangatlong puwesto sa BFA Women’s Cup bukod sa bonus na  pagkakataong katawanin  ang bansa sa World Cup na idaraos sa susunod na taon sa di pa inihahayag na lugar at petsa.

Makakasama ng ating mga dilag ang nag-kampeong Japan, Chinese Taipei at China na tulad nila ay umabante sa World Cup para kumatawan sa Asya.

Ang mga dilag ni coach Egay delos Reyes ay may pagkakataon ding makapuwesto sa world ranking bilang premyo sa panalo nila sa mga world-rated na koponang Hong Kong, 12-3 kasalukuyang pang-10, at ang pang-anim na South Korea, 14-7.

Kauna-unahang paglahok ng Pilipinas sa BFA Cup at, samakatuwid ay wala pang ranggo. Ganoon din ang China, subalit dahil tinalo ito ng mga Pilipina nang dalawang beses – isa sa Super Round of Eight at sa playoff para sa pangatlong puwesto – kung kaya’t mabibigyan lamang ang mga Tsino ng ranking pagkatapos ng Pilipinas.

Tumapos ang mga Pilipina na tinagurian ding “Giant Killer” at “Surprised Package”  ng torneo, na may naipong 3-2 panalo-talong kartada matapos ang limang laro sa likod ng mga Hapon  at pumangalawang Taiwanese.

Ang pagkatalo ng Pilipinas sa Japan, 2-17, at sa Chinese Taipei, 0-15, ang tanging naging  bahid sa record ng ating mga dilag.

“Our ladies performed above everyone’s expectations,” wika ni basketball great at ngayon ay PABA president Chito Loyzaga sa karangalang ibinigay ng ating mga dilag sa bansa.

“They deserve to continue with their training program in preparation for the World Women’s Baseball Cup next year,” anang pinakamatandang anak ni basketball “Great Difference” Carlos “Caloy” Loyzaga.

“We appreciate very much the continuous support of the PSC (Philippine Sports Commission),” he added. “But we hope to establish a long term partnership with generous institutions, which will embrace the great potential of our Philippine women’s baseball team.” (SALA SA INIT, SALA SA LAMIG / EDDIE G. ALINEA)

376

Related posts

Leave a Comment