IBAT’T IBANG PANALONG SARAP SA FRIULI TRATTORIA

(ANN ESTERNON)

Tayong mga Pinoy na mahilig kumain ay palaging naghahanap hanggang maaari ng mga pagkaing masasarap kahit ang presyo nito ay may kamahalaan.

Pero iba pa rin naman na makahanap tayo ng mga pagkain na sobra sa sarap pero ang presyo ay sasakto sa ating mga budget para kahit makarami ng kain ay uulit at uulit lamang dahil sulit na sulit ito.

Dito lamang sa UP Village sa Quezon City ay may isang pizza parlor na talaga namang dinarayo ng marami.

Ang kuwento, mura at masarap ang mga pagkain dito kaya naman naengganyo ka-ming sadyain ang lugar.

Ang tinutukoy natin ay ang kauna-unahang pizza store nila na nasa kahabaan lamang ng Maginhawa St. kung saan matatagpuan dito ang Friuli Trattoria.

Maliit ang pwesto nito. Tipikal na kainan – simpleng tables and chairs. May second floor na mas malaki ang espasyo. Pero, gayunman hindi natatapos ang kuwento sa hitsura lamang nito.

PINAGMULAN NG PANGALAN

friuli trattoria-4Bakit Friuli Trattoria?

Isang historical region ang Friuli sa Italy. Ang Trattoria ay isang murang Italian-style na kainan. Hmmm… sakto lang pala ang pangalan ng resto kung ganoon. Pero mabibitin kayo sa kain. Ang sigurado eh babalik kayo rito at manghahatak ng ibang masasama.

Unang nagpakilala ang sarap ng kanilang pizza noong 2006. At dahil sa hindi matatawarang sarap ng kanilang mga pagkain at serbisyo ay nasundan ito ng mga sangay sa iba pang mga lugar.

Sa oras pa lamang ng operasyon nila ay malalaman nang tunay silang puntahan ng mga tao dahil bukas ito mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng madaling-araw.

Karaniwang mga parok-yano ng Friuli Trattoria ay mga estudyante dahil ang lugar na ito ay malapit lamang sa mga eskuwelahan.

At dahil mga estudyante ang kanilang mga suki, ang presyo ng mga pagkain dito ay pang-estudyante rin naman. Bagama’t mura ay hindi naman tinipid sa kalidad at sa lasa.

URI NG MGA PIZZA

friuli trattoria-3Ang mga ipinagmamalaki nilang mga pizza na tunay naman talagang best sellers ay ang Tre Formaggi, Margherita, Viva Venezia, Pancetta, at Spiced Romano na nasa presyo lamang na mula P240 hanggang P290.

Mayroon din silang classic Hawaiian, Marinara, Pepperoni, All-Meat na nasa presyong mula P225 hanggang P295.

Samantala, ipinagmamalaki rin ng Friuli Trattoria ang uri ng kanilang pizza na Vegetale o mga pizza na pinasarap ng mga gulay. Ito ay mula sa Buono Vendure, Funghi Pizza, at Antonio’s Pizza. Ang mga ito ay may lahok na tomatoes, onions, mushrooms, eggplants, black olives at iba pa.

Magandang offer din nila ang kanilang “Half and Half” kung saan kapag hindi ka makapagdesisyon ng gugustuhin mula sa dami ng pizza nila ay pwedeng ang kalahati nito ay isang uri habang ang kalahati ay isang uri pa ng pizza. Ang presyo nito ay idedepende sa kung anong uri ng pizza ang mas mataas ang presyo.

Pwede rin namang magpadagdag pa ng toppings mula sa extra cheese, veggies at special toppings.

Hinahabol din ng mga parokyano rito ang iba pa nilang meal tulad ng mga pasta, at desserts.

Sa pasta ay wala ring pagsisisihan sa sarap ng kanilang Puttanesca, Pesto, Carbonara at iba pa. Panalo rin sa sarap ang kanilang Mozarella Sticks at Toasted Ravioli.

Mabibitin tayo sa kuwentuhan kung ito lamang ang pagbabasehan. Mas iba pa rin kung sasadyain ang lugar para kayo mismo ang huhusga para rito.

BRANCHES

friuli trattoria-5Unang naging store ng Friuli Trattoria ay ang Maginhawa St. sa Quezon City.

Kalaunan ay nagkaroon na rin sila ng branches sa iba pang mga lugar.

Bukas din sila sa deliveries at reservations, tumawag lamang sa 5046502, at 09178778411.

 

*#79A Maginhawa St.

UP Village Quezon City

(02) 434 1416

 

* UP Town Center,

216 Katipunan Ave.

Diliman, Quezon City

 

*Philam

West Avenue, 27 W. Lawin,

Quezon City

452

Related posts

Leave a Comment