MARIJUANA GAMOT SA ECZEMA AT PSORIASIS

MARIJUANA-10

PARAMI na nang parami ang mga nagpapatunay na nakagagamot ng iba’t ibang klase ng sakit ang marijuana o ang cannabis, gaya ng eczema at psoriasis.

Sinabi ng researchers sa University of Colorado na may isang compound sa nasabing droga na nakatutulong upang mapagaling ang mga karaniwang kondisyon sa ating balat.

PsoriasisNagsagawa ang scientists ng trials sa anti-inflammatory compound na ang tawag ay CBD (cannabidiol) na makikita sa cannabis. Sabi sa pag-aaral, hindi umano ito mapanganib o nakaka-high.

Sinabi ni Dr. Robert Dellavalle, ang nanguna sa research na, “There’s a large segment of the population that doesn’t like using steroids, even if they are topical steroids on their skin. CBD could be an alternative, natural product for them to try.”

Ang naturang sangkap ay aprubado rin umano ng World Health Organization. Ilang health chiefs din sa buong mundo ang nagpatunay na wala itong “adverse effects”.

Ang kasamang researchers ni Dr. Dellavalle ay pawang nagtatrabaho sa may 40 may sakit na Parkinson’s at may kondisyon na seborrheic dermatitis.

Sinabi naman ni Ian Hamilton, drug researcher sa New York University na: “There is emerging evidence that chemicals within cannabis might offer potential health benefits.

“But we will need more than one research trial to be done before we can say whether this works or not.”

Aniya, posibleng tu­ma­gal pa ng maraming taon ang mga research bago makapag-produce ng gamot laban sa skin conditions.

EczemaNabatid na ang eczema, isang grupo ng disease na nagdudulot ng inflammation sa balat ay umatake na sa 6 million katao sa UK.

Kabilang sa mayroon nito ay ang sikat na singer na si Adele.

Higit naman sa 650,000 sa naturang bansa ang may taglay namang psoriasis, isang kondisyon sa balat na namumula, namamaga, nagsusugat at makati. Kumakalat ang psoriasis maging sa anit.

652

Related posts

Leave a Comment