P4.2-B INIAMBAG NG PORT OF SAN FERNANDO

PORT OF SAN FERNANDO

NOONG 2019, nakapagtala ng mahigit P4.2 bilyong koleksyon para sa Bureau of Customs and Port of San Fernando, La Union.

Bagaman maliit, maitu­turing na malaki naman ang naitulong ng Port of  San Fernando, La Union sa koleksyon kaugnay sa duties and taxes ng ahensiya.

Sinabi ni Port of San Fernando District Collector Rhea Gregorio, ang kinita ng kanilang tanggapan ay mas mataas ng P105 mil­yon kaysa noong 2018 at masasabing nalagpasan ni­­la ang full year revenue target.

Si Gregorio, na naitalaga sa Port of San Fernando sa kalagitnaan ng taong 2019 matapos na magkaroon nang balasahan sa BOC sa mga pangunahing daungan sa bansa, ay nagmula sa Port of Manila (POM).

Ayon kay Gregorio, du­­ma­an din siya sa “challenges” kaugnay sa revenue collections kung saan ang volume of importation ay “projected to be on down slope due to weather conditions and scheduled maintenance of the facilities of regular importers”.

Maganda ang perfor­mance ng Port of San Fer­nando bagaman hindi nila inaasahan na makapagtatala sila ng malaking koleksyon na naging dahilan kaya nalagpasan nila ang kanilang target para sa 2018.

Kamakailan, sinabi ni BOC Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero na tiwa­la siya na malalagpasan ng kanyang tanggapan ang P598 bilyong revenue collections noong 2018 kung saan umabot sa P670 bilyon ang kinita sa 2019. (Joel Amongo)

185

Related posts

Leave a Comment