KALUSUGAN NG PINOY TAGILID SA NCOV

PUNA

LUMILINAW na ngayon ang tunay na pinagmulan ng 2019 NCoV o coronavirus base sa kumakalat na video sa social media na isang Amerikano na umano’y mula sa sekretong laboratory sa Wuhan City ang pinagmulan ng virus.

Pumalpak umano ang ­eksperimento ng China na nag-leak kaya nakalikha ng virus na naunang sinasabing galing sa exotic food.

Sa inyong lingkod, unti-unti nang lumilinaw kung saan talaga nagmula ang virus na patuloy ang paglawak na napunta na sa Europe at ibat-ibang bansa Asya kung saan ang pinakahuli ay tatlong katao na ang nagpositibo bagaman marami na ang inooserbahan sa ilang mga ospital sa bansa.

Bagamat nagmula sa China ang coronavirus, wala na tayong magagawa bukod magtulungan sa kinakaharap na krisis upang hindi naman masyadong maapektuhan si Juan dela Cruz at kailangan ilabas lahat ng Department of Health (DOH) ang katotohanan.

Ang tao ay dapat mag-ingat sa paggawa ng eksperimento na posibleng pumatay sa sangkatauhan. Dahil lang sa hindi nakukuntento ang tao ay kung anu-ano ang kanilang iniimbento para lang makalamang sa kapwa.

Ang nangyaring paglabas ng coronavirus na ito mula sa Wuhan City ay isang paalala ng Panginoon sa sangkatauhan na maghinay-hinay tayo sa paggawa ng eksperimento dahil ito mismo ang papatay sa nakararaming tao sa mundo.

Naniniwala ang PUNA na talagang matindi ang epekto ng coronavirus sa tao dahil kelan lang nagsimula ang bilis kumalat sa mga tao at ilang saglit lang ay nakakamatay na.
Kamakailan, nakausap ng PUNA ang isang heneral ng militar na nagsabing nakipag-ugnayan sa kanila ang ilang kinatawan ng DOH na nagkuwento kung paano nagsimula at ano ang magigingepekto ng virus sa Pilipinas at sa buong mundo.

Mukhang talagang delikado ang kalusugan nang nakararaming Pinoy sa coronavirus na ito kaya dapat kumilos ang mga nasa ­gobyerno upang hindi na lumawak ang virus na ito sa Pilipinas lalo na sa mga karagatan at ­paliparan na daan sa pagpasok ng mga dayuhan sa bansa.

Kaya dapat magkaisa tayong mga Pinoy kailangan natin makinig sa mga eksperto habang sa gobyerno naman ay ‘wag na natin haluan ng pamumulitika ang inyong gagawin na pagkilos o pagtulong sa nangangailangan ngayon ng taumbayan kung paano maiibsan ang epekto ng coronavirus. JOEL AMONGO

 

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email joel2amongo@yahoo.com at operarioj45@gmail.com.

 

162

Related posts

Leave a Comment