ALASKA DINAIG ANG PHOENIX

TINALO ng Alaska ang Phoenix Pulse, 98-87, sa PBA pocket tournament kahapon.

Kumamada si Vic Manuel ng 25 points, habang nagambag si Mike DiGregorio ng 13 para sa Aces.

“It’s nice because you get a feel of the style of Phoenix. We know that they are going to pressure a lot and it’s clear that their guards are really all over the place in regards to putting pressure and applying pressure, making it difficult for you,” sabi ni Alaska coach Jeff Cariaso.

Nanguna naman para sa Fuel Masters si Jason Perkins sa kanyang 20 points at siyam na rebounds habang nagdagdag si Justin Chua ng 15 points.

Maliban sa dalawang nabanggit na teams, nagsukatan din ng lakas ang San Miguel Beermen at NLEX Road Warriors sa pocket tourney bilang paghahanda ng mga ito sa pagbubukas ng ika-45 taon ng PBA sa Marso 8.

Nagsimula ang mini-tournament ng apat na teams kahapon (Peberero 17) at tatagal hanggang Peb. 21.

Nakatakdang magtapat bukas (Peb. 19) ang San Miguel at Phoenix sa alas- 10 ng umaga na agad susundan ng salpukan ng NLEX at Alaska sa alas-12 ng tanghali.

Sa Pebrero 21 naman ay magsasagupa ang NLEX at Phoenix sa alas-10 ng umaga bago ang paghaharap ng Alaska at San Miguel sa alas-12 ng tanghali.  (ANN ENCARNACION)

133

Related posts

Leave a Comment