OMBUDSMAN MARTIRES BINABANTAYAN SA ‘GALAW’ SA REKLAMO VS VP SARA

BINALAAN ng isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Ombudsman Samuel Martires laban sa posibleng pag-whitewash nito sa iniimbestigahang reklamo sa paglustay sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

“We would just like to warn the Ombudsman that being a Duterte appointee the people are extra vigilant in watching him as they fear that there may be a whitewash of the case against VP Duterte even if the evidence are overwhelming,” ani outgoing ACT Teacher party-list Rep. France Castro.

Ginawa ng mambabatas ang warning matapos simulan ni Martires ang imbestigasyon base sa rekomendasyon ng House committee on good government and public accountability hinggil sa paglustay umano ng Pangalawang Pangulo sa kanyang confidential funds.

Idinepensa ni Castro ang aksyon ni Martires kahit wala pang naisasampang kaso laban kay Duterte sa Office of the Ombudsman dahil maaari silang magsagawa ng motu propio investigation sa ilalim ng Republic Act No. 6770 o Ombudsman Act of 1989.

Gayunpaman, kailangan aniyang tiyakin ni Martires na hindi makaapekto sa impeachment trial ang kanilang aksyon at tiyaking mapanagot ang Pangalawang Pangulo.

Tinawag naman ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng nasabing komite na “swift extraordinary action” ang ginawa ng Ombudsman at isang pagkilala umano ito na malakas ang ebidensya laban sa Pangalawang Pangulo.

(BERNARD TAGUINOD)

11

Related posts

Leave a Comment