WALANG SACRED COW SA POGO

TINIYAK ng Malakanyang na walang sinomang dayuhan o Filipino na bibigyan ng blanket protection ng gobyerno.

Para kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, walang sacred cow pagdating sa usapin ng paglabag sa batas ng bansa sa gitna ng patuloy na sumisingaw na mga kalokohan umano ng mga Chinese national na sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO industry.

Pinasinungalingan naman ni Sec. Panelo na malamig sila sa usapin  ng POGO o sa usapin ng pagpapanagot sa mga nasa likod nito dahil Chinese ang mga nasasangkot.

Ang katwiran ni Sec. Panelo ay ipinauubaya na kasi nila sa mga mambabatas ang paghalukay sa mga kakabit na isyu ng POGO lalo na ang mga nakikitang ilegal na aktibidad tulad ng pagpasok ng malaking halaga ng pera sa bansa, mga kaso ng kidnapping, korapsyon, pagkalat ng drugs at sex dens, prostitution at iba pa.

Umaasa ang Malakanyang na makagagawa ng isang batas ang Kongreso o Senado na magpapabuti sa proseso ng immigration proceedings sa mga dayuhang bumibisita sa bansa o kaya ay batas na magdideklara na ilegal ang POGO. CHRISTIAN DALE

293

Related posts

Leave a Comment